Missing YOU!

Hi Pa….musta na? we missed you sooooo much here. Nagbibilang na kami ng okasyon na di ka namin kasama physically. Walang nagluluto ng sobrang sarap na food para sa amin. Di na natikman ng mga apo mo ang mga luto at lambing na ginawa mo sa amin nun. Di bale Pa, pag tinanong kami ni iya at jana kung anong klaseng lolo ka  eto ang buong pagmamalaki naming isasagot sa kanila ” ang lolo niyo ang pinaka gwapo, pinakamagaling na cook, pinakamabait,pinakamasipag,pinakamapagmahal at lahat ng pinaka ay na sayo na. Pinanuod ko ang pics/videos na kasama ka, nakikita at naramdaman ko ang mga ngiti mo . Ngiting nagsasabi na walang katumbas ang pagmamahal mo sa amin. Pa, si en sobrang saya niya ngayon kasi andyan na si jana. Hinahanap ka ni en lalo na pag di niya napatahan si jana..sabi niya Pa, sana andito ka para matulungan mo kami para tumahan si jana kasi pa magaling kang magpatahan ng baby eh. Si jana Pa, kamukha mong singkit ang mata.

Sa lahat ng panahon na magkakasama kami lagi naming nararamdaman na may kulang na talaga sa amin.Kakulangan na di namin kayang lagyan ng kahit anong kapalit. 

Pa, sobrang miss ka naming lahat. At mahal na mahal ka namin.

One Response to “Missing YOU!”

  1. khim Says:

    i am crying while reading dz..

Leave a Reply